You're beautiful like diamonds in the sky :)

Tuesday, April 23, 2013

Moment na natin eh. Kaya lang, nang casper ka.

Eto na naman ako. Di ko alam bakit bigla lang ako nalungkot. Sayang kasi eh. Kung kelan akala ko may madalas na akong makakausap, yung tipong lahat ng bagay eh masasabi ko na walang kyeme...parang bigla naman siyang nawala. Anong nangyari? Yan din ang tanong ko. I'm definitely clueless. :| Andun na eh, masaya na tayo, ok na ko sayo. Ok ka na saken. Bakit lumayo ka? So ibig sabihin, trip lang yun ganun? Sana hindi. Kasi naniwala ako eh. Oo aamin ako, natuwa ako. Kahit papaano, yung made me feel special. Na kahit ano pang past ko, I deserve to be loved. Pero bat ganun? Anong nangyari sayo? Bakit ka nanlamig? Correction, bat ka nga pala nawala? :|

Ang weird noh? Naging close tayo sa di natin inaakalang panahon. Yung tipong instant, friend na agad kita. Malamang nung una, nakukulitan pa ko. Sabi ko nga: "Ano ba naman ito?" Eh wala eh, ang tindi mo kasi nun. Nakakamiss din pala. Parang kelan lang naman simula nung nanlamig ka...parang kahapon lang ata? Haha! Agad agad. Ewan ko. Gusto kitang tanungin kung ano bang nangyari saten? May nagawa ba ko? May nasabi ba ko? Ayaw mo na saken agad eh di ba, kakahulog mo lang saken? HAHAHA! Bakit kasi? Ang hirap manghula. Gusto ko ng sagot na manggagaling sayo. Pero, mangyayari pa kaya yun? Ewan ko. Baka hindi na. 

Ang hirap na naman pala ng ganitong sitwasyon. Di naman kayo pero parang kelangan mo nang mag move on. Eh come to think of it ha, di naman naging kayo. Haayy, oo nasasaktan ako. May kirot sa puso kahit papaano. Ako lang naman ata eh, assuming nga siguro ako. Eh kasi ho, ikaw naman yung umamin db? At simula nung araw na yun, naniwala na ako sa lahat ng sinabi mo. Sinong tanga? Baka ako. Sinong pafall? Baka ikaw. Haha! Pero wala akong magagawa, di naman naging tayo. Pero sana di ba, nung umamin ka, dapat pala sinabi ko na: "O sige tara, tayo na." pero di ko nasabi eh. Pasenya na. Nahiya ako at nabigla ako sa mga naganap. But hey, I want you to be happy.

Kung may message ako para sayo, eto yun:

Dear you,

Maraming maraming salamat sa lahat. Saglit lang yun pero you made me happy. Thank you for making me smile sa mga panahong ni ayaw ko tumawa. Salamat sa pangungulit. Salamat sa pagintindi at kahit sa sandaling panahon, you made me feel that I am still worth it. Thank you. Sobrang thank you. Mamimiss kitang kausap palagi. Dahil malamang, di na tayo magiging tulad ng dati. Sayang noh? Andun na tayo eh. Isang OO na lang galing saken, masaya na sana tayo. Eh wala eh, di ka kaya nangtanong. HAHAHA! =))) Well, mag ingat ka parati. Alam mo namang mahirap jan pero keri mo yan! Strong ka eh. Wag mong pabayaan ang sarili mo ha? Malayo ka kaya mag ingat ka. Pag may time ka, try mo pa din akong i-message...baka sakaling replyan pa din kita. *Hopia ang wala*. :D HAHAHA! I like you...so much. :(

Hey now, I'm moving on again...Leggo!

No comments:

Post a Comment