You're beautiful like diamonds in the sky :)

Monday, April 29, 2013

Q & A 101


NAME: Patricia Mae Olan Oraya
AGE : 21
BIRTHDAY: October 19, 2013
PRESENT ADDRESS:  ParaƱaque City :D
  
  • WHAT WAS YOUR:
1. last beverage = Coke
2. last phone call = Hugging Buddy <3
3. last text message = Hugging Buddy <3
4. last song you listened to = Just give me a reason ;)
5. last time you cried = Last Saturday -_-

  •  HAVE YOU EVER:
6. dated someone twice = YES
7. been cheated on = YES NA YES!
8. kissed someone & regretted it = None :P
9. lost someone special = Yeah :(
10. been depressed = Oo naman
11. been drunk and threw up = HAHA! So far, wala pa. :D Strong eh!

  • LIST THREE FAVORITE COLORS:
12. PURPLE <3
13. Pink
14. Black ;)

  • LAST YEAR (2012), HAVE YOU:
15. Made a new friend = Yeah!
16. Fallen out of love = A bit. HAHA! :))
17. Laughed until you cried = Yes. :P
18. Met someone who changed you = I DID :) 
19. Found out who your true friends were = Yeah :D
20. Found out someone was talking about you = Hahaha! Yes
21. Kissed anyone on your FB friend's list = Errr, no -__-

  • GENERAL:
22. How many people on your FB friends list do you know in real life = 50 % :))
24. Do you have any pets = None :P
25. Do you want to change your name = No, I am happy with my name! :D
26. What did you do for your last birthday = I spent it with my family. 
27. What time did you wake up today = 7:00 AM =))
28. What were you doing at midnight last night = Tulog syempre!
29. Name something you CANNOT wait for = Hmmm? WALA naman. Mahaba naman pasensya ko. HAHA!
30. Last time you saw your Mother = Ngayon lang. Yan siya oh :)))
31. What is one thing you wish you could change about your life = NONE. I AM HAPPY WITH WHAT I HAVE NOW. :P
32. What are you listening to right now =  Waiting all night <3 
 33. Have you ever talked to a person named Tom? = Yeah
34. What's getting on your nerves right now = wala naman :D
37. Nickname =  ICIA <3
39. Zodiac sign = Libra
38.relationship status= Complicated? JOKE! HAHAHA! SINGLE! :)))
40. He or She =  She baby! ;)
41. Elementary = Lycee D' Regis Marie / Arandia Academy <3
42. High School = MHS :)
43. College = Informatics Northgate :D 
44. Hair color = Brown. :P LOL. Bagong color eh. HAHA!
45. Long or short =  LONG :p
46. Height = :)))
47. Do you have a crush on someone? = OO naman! Super mega uber crush!
48. What do you like about yourself? = ME being ME <3 HAHAHA!
49. Piercings = NONE <3
50. Tattoos = NONE <3
51. Righty or lefty= Kanan pre! ;) 

  • FIRSTS:
52. First surgery= None.
53. First piercing = None :P
54. First best friend = Sino nga ba? Ah si Ella <3 
55. First sport you joined = Volleyball nung elementary! HAHAHA! 
56. First vacation = Di na makeri ng braincells kong i-flash black kung saan :D
58. First pair of trainers = ?_?

  • RIGHT NOW:
59. Eating = I'm done :P
60. Drinking = Yeah!
61. I'm about to = Take a bath after this. HAHA!
62. Listening to = Super nakakaLSS na kanta. HAHA!
63. Waiting for = HIM <3 Charaught!

  • YOUR FUTURE:
64. Want kids? = Yeah 1 boy & 1 girl o kaya naman, 1 boy lang. :D
65. Get Married? = Yes, with him. HAHAHA! 
66. Career? = Be a successful woman. Saan man ako mapadpad! 

  • WHICH IS BETTER :
67. Lips or eyes = Eyes
68. Hugs or kisses=  Hugs. 
69. Shorter or taller = taller
70. Older or Younger =  Younger <3
71. Romantic or spontaneous = romantic :)
72. Nice stomach or nice arms = nice stomach 
73. Sensitive or loud = Loud. 
74. Hook-up or relationship = Relationship
75. Trouble maker or hesitant = trouble maker :))

  • HAVE YOU EVER:
76. Kissed a stranger = Yeah -__-
77. Drank hard liquor = Oo na OO.
78. Lost glasses/contacts = Nope.
79. Sex on first date = Err, not a good idea. 
80. Broke someone's heart= Yeah
81. Had your own heart broken = Many times. -_-
82. Been arrested = HAHA! NO!
83. Turned someone down = Yeah I did.
84. Cried when someone died = Oo 
85. Fallen for a friend = Super YES! Friendzone.com ang peg!

  • DO YOU BELIEVE IN:
86. Yourself = YES <3
87. Miracles = YES <3
88. Love at first sight = NO. HAHA!
89. Heaven = YES
90. Santa Claus = not really...
91. Kiss on the first date = GREAT IDEA :P
92. Angels = YES

Sunday, April 28, 2013

Just saying: Past, Present and Future


Anong meron bakit nagsusulat ulit ako dito? Ewan ko. Pampalipas oras. Di pa ako dinadalaw ng antok eh. Nais ko lang magkwento...

It's been 21 years simula ng ako'y maisilang dito sa mundo. Ang dami nang nangyari. Dati, nung bata pa ako, ang iniisip ko lang eh kung anong laro ang magandang laruin kapag hapon na. Di kagaya ngayon, ang dami dami ko nang iniisip. Sa sobrang dami, minsan napapatulala na lang ako. HAHA! =)) Heavy? Yeah. It is.

Masasabi ko namang masaya ako sa buhay ko eh. May pamilya akong laging nakasuporta saken for always. Yung tipong tatalikuran na ko ng lahat pero sila hindi. Andyan sila para i-cheer, support, lahat lahat na. Blessed ako dahil andyan sila. Kahit na sabihin mo na we are not the most perfect family in the whole wide world, I know that I have everything because I have them. HAHA! Medyo dumadrama na noh?

TO MY FAMLY: I LOVE YOU ALL :* <3

Sa work naman eh, masaya ako, kahit na nakakastress madalas. Alam mo yung dumadating na sa point na ayoko na kasi nakakaumay na, nakakasawa na, nakakapagod na, nakakairita na, naaawa na ko sa sarili ko...lahat na. Sorry, nega star ang lola mo eh. HAHA! Pero, maniwala kayo o hindi, mahal ko ang mga tao sa ASPAC...lalo na si ano.JOKE! =P HAHAHA! Seryoso, dito ako natuto eh. Sila ang nag train saken sa work. Freight forwarding? Ano ba yun? Di ko alam mo yun dati eh. Pero wag ka, ngayon may idea na ko. HAHA! Seriously, I know what I'm doing & I'll continue doing it. :)

TO MY ASPAC FAMILY: I AM BLESSED TO HAVE YOU. :* <3

Mayaman ako sa mga totoong kaibigan. Yan ang totoo. Haha! =)) Kahit na alam mo yun, medyo busy kami ngayon. Working girls & boys ang peg, I know that our friendship will always be there. No matter what happens. Namimiss ko yung mga panahong ang inaalala lang namin eh kung paano kami papasa sa mga subject tapos pati yung hatian pag report. HAHA! Well, may mga naging pretty mommy na. In fairness, ang dami ko nang inaanak eh. Pero, di ako mayaman ha? Pinagpala lang po. <3 Yun ang banaat!

TO MY BA FAMILY: I miss you. Seryoso yan. Ano? Tara na't ituloy na natin ang apat na tao nang naudlot na swimming na yan. Lagi na lang eh. Haha! Sayang ang summer oh. Oh kaya naman, EK na lang us! Ano? Game? Let's make ourselves free. HAHA! Serious note: Mag ingat kayo mga teh & pre. Update update pag may time. If you need me or not, I'm always here. <3 I LOVE YOU TO THE MOON & BACK! :*

Love life? Wag na nating pag usapan yan. Di yan uso saken. HAHA! JOKE! Sige na nga. Ang dami ko na palang napagdaanan pagdating sa mga ganyang bagay. I loved & I was broken...then, I loved again. Ganun lang pala talaga ang cycle ng buhay. Magiging masaya ka, masasaktan ka, iiyak ka, pero dapat, maging masaya at matatag ka pa din. You should love yourself first. Dahil kung mahal mo ang sarili mo, mas madali sa ibang tao na mahalin ka. :) Tsaka para sa mga taong nanakit sayo, ang sikreto ng pag momove on eh ang pagpapatawad. Db? =)

FOR MY EX WHO LEFT ME BROKEN: Thank you for doing it. Nang dahil sayo, I learned to appreciate myself more. You thought me how to be strong. Well, alam ko di pa ko 100% okay..pero tiwala lang, I will be happy din. Ang dami nating plano nun noh? Ang ganda sana pag natupad. Yung tipong we thought we are the one the talaga. HAHA! Pero di pala. Isang malaking chararat lang ang lahat. JOKE! :)) Seryoso, salamat. Mag iingat ka ok? Ingat sa mga bagong jowa. Sana kaya ka niyang mahalin gaya ng pagmamahal ko. JOKE! HAHAHA! Wag ka kasing agad agad love life! Eto naman. Love your mommy. Take good care of tita ok? Be happy. I know karma will hit you soon! CHAROT! HAHAHAHA! =)) You will be a part of me naman eh, bitter part nga lang, JOKE. hahaha! Eh basta, mag ingat kang ewan ka. :P

Anong mangyayari sa future ko? Only GOD knows. Kung mapupunta ba ako sa Los Angeles, CA or Dubai...we'll see. :) Di kasi ako planner na tao. Alam niyo yun. I live myself in the moment. Kung ano nangyayari, go lang ako. Excited ako for the future. Kahit di masyadong halata. HAHA!

DEAR FUTURE LOVE,

Hello! Moment mo na ito oh. Ikaw naman ang may message galing saken. For sure, kikiligin ka. HAHA! Echusero ka kasi. Joke lang!

Unang una, asan ka na ba? Nakita na ba kita? Kilala na ba kita? Tao ka ba? Haha! Medyo matagal na kasi eh. Ano? Bawal ka pa magpakita saken? Di pa tayo pwedeng magtagpo? Why? :P Siguro kasi gaya ko, di ka pa 100% noh? Siguro nanakit sayo? Loka yun ha! Akalain mong ginago ka niya eh hello, para saken ka kaya! HAHA! Umayos ka. Ingatan mo yang sarili mo. Kumain ka parati. Wag kang magkakasakit. Magkikita pa tayo. :) Bubuo pa tayo ng isang extraordinary walastik na love story. <3

Alam mo ba, humuhopia pa ko sa iba eh. Echos ka kasi. Tagal tagal mo. Teka, baka ikaw yung isa sa hopia? Di kaya? HAHA! Basta, wag kang magkamaling mainlove sa iba ha? Tandaan mo, may Patricia Mae Oraya pa na dadating sa buhay mo. Reserve a space for me in your heart, please? Kung broken man yan. I'll heal it. Lagyan ko betadine. Joke! HAHA! Don't worry, I'll fix it. Kering keri ko yan. 

Ngayon pa lang, binabalaan na kita, di ako perfect girlfriend. Selosa ako, paranoid, lahat na lang issue saken. Ayoko na may iba kang kakausapin na babae, kung meron man...alam mo dapat ang distansya ha? Tapos, medyo marami akong boy crush pero hey, crush lang yun pre, ikaw love. <3 Yeeee! Alam kong di magiging madali ang relationship natin. Mag aaway tayo, mag susumpaan tayo, magwawala tayo, magkaka issue tayo sa isa't isa, magkakaselosan na walang kwentang bagay, magkakapikunan...pero, kakayanin yun kasi mahal natin ang isa't isa. <3 I'll love you with all of me. Seryoso yan. Kahit anong pagsubok, di dapat tayong sumuko. Kasi, God will guide us. He knows that you are the one for me & I'm the one for you. This relationship will be a blessing. I know that! :)

Kung asan ka man ngayon, tandaan mo...I'll wait for you. <3 Pero please, don't super take your time pre! Dating dating din. HAHAHA! =)))


Medyo nobela ang blog na ito. HAHA! Sorry na. :) Nasa mood eh. :D

Gawin sana natin ng magkasama....


Sabi nga nila, pag single ka..magagawa mo ang lahat. Totoo naman yun, malaya ka nga eh. Kaya lang, may mga bagay kasi na mas masaya kung may kasama ka habang ginagawa yun. Yung may kakulitan ka hindi yung nagsosolo ka lang na parang ewan. Eto ang ilan sa mga bagay na nais kong gawin na kailangan kong gawin:

1. Manood ng movie - Wala namang masama manood mag isa. Pero kasi, iba yung may kasama ka eh. Tsaka, kamusta naman yung manood ka ng horror movie ng mag isa db? Tsaka, pag lovestory naman, ang awkward. Sila may katabi ikaw popcorn na lang ang nilalantakan mo. HAHA! Pero nagawa ko na ito ah, many times. :P Nakaya ko naman. Gusto ko yung movie eh, keber na lang sa mga tao sa loob :D

2. Mag out-of-town - Siyempre, gusto mong makalayo sa stress db? Ok lang naman mag isa pero hello, paano kung yung trip mong puntahan eh sa dulo ng Pilipinas tapos wala ka man lang kilala? HAHA! Mas ok yung may kakulitan ka all the way. Yung kapag nawawala ka na, may karamay ka. :D May tagakuha ng picture sayo, hindi yung mag isa mo lang kinukunan yung sarili mo kaya parating mukha mo na lang ang nakikita. HAHAHA! Sayang ang magandang view. 

3. Kumain sa eat-all-you-can - Sige, try mong mag isa jan ng ewan ko na lang kung anong mangyari sayo. Mas masaya pa din pag may kakwentuhan ka habang nakain, may aagawan ka ng pagkain at higit sa lahat, may uubos sa di mo na kayang ubusin na pagkain. 

4. Mag shopping - Oo girls, minsan kailangan natin mag isa mag shopping lalo na pag stress tayo pero db, mas masarap sa pakiramdam yung kapag bibili ka na tapos isusukat mo may tatanungin ka ng, “Babe bagay ba? Maganda?” tapos sasagot siya: “Oo babe.” kahit pilit na ngiti lang ang sukli sayo kasi pagod na siya kakaikot niyo. HAHA! Tapos kahit pagod na siya, go pa din siya. Sasamahan ka niya kahit sa pagpili mo ng make up at papatulan niya ang tanong mo na, “Babe, anong shades bagay saken?” =) At the end of the shopping day, may tagabitbit ka pa din ng mga pinamili mo.

5. Manood ng basketball game ng live - So eto na, alam naman nating basketball ay game ng mga lalaki pero dahil makulit ka, isasama ka niya. Mas masayang pumunta ng live ng pag may kasama. Yung tipong kahit super kilig ka na sa player na crush mo, di siya magseselos. Ay sige, siguro magseselos pero di niya ipapakita sayo. Tapos yung tipong sigaw to the max ka na sa team mo, siya naman kalmado kang pinagmamasdan. Yung tipong mega sabi ka na ng: “Babe oh, bakit na foul yun?! Lokong referee yun ah!” Tapos siya naman, “Babe, kalma. Ganito kasi yan…” Ikaw naman, “Ay hindi! Madaya pa din yun!” =) Pinaka the best? Yung lalapit ka sa crush mong player tapos sasabihin mo sa player: “Hi, pwede magpapicture?” tapos kapag pumayag, sasabihin mo sa kasama mo: “Babe!! Papicture kami” di na siya papalag. Gusto mo yan eh.

Iilan lang yan sa mga bagay na nais ko sanang gawin pero gaya nga ng nasabi ko kanina, mas masaya yan pag may kasama na ko. Sa ngayon, wala eh. Solo flight ang lola mo. Haha! Di bale, tiwala lang…dadating din siya. Andun pa siya sa ano eh. HAHAHA! Secret! ;) Umuwi na kasi sana…

Tuesday, April 23, 2013

Moment na natin eh. Kaya lang, nang casper ka.

Eto na naman ako. Di ko alam bakit bigla lang ako nalungkot. Sayang kasi eh. Kung kelan akala ko may madalas na akong makakausap, yung tipong lahat ng bagay eh masasabi ko na walang kyeme...parang bigla naman siyang nawala. Anong nangyari? Yan din ang tanong ko. I'm definitely clueless. :| Andun na eh, masaya na tayo, ok na ko sayo. Ok ka na saken. Bakit lumayo ka? So ibig sabihin, trip lang yun ganun? Sana hindi. Kasi naniwala ako eh. Oo aamin ako, natuwa ako. Kahit papaano, yung made me feel special. Na kahit ano pang past ko, I deserve to be loved. Pero bat ganun? Anong nangyari sayo? Bakit ka nanlamig? Correction, bat ka nga pala nawala? :|

Ang weird noh? Naging close tayo sa di natin inaakalang panahon. Yung tipong instant, friend na agad kita. Malamang nung una, nakukulitan pa ko. Sabi ko nga: "Ano ba naman ito?" Eh wala eh, ang tindi mo kasi nun. Nakakamiss din pala. Parang kelan lang naman simula nung nanlamig ka...parang kahapon lang ata? Haha! Agad agad. Ewan ko. Gusto kitang tanungin kung ano bang nangyari saten? May nagawa ba ko? May nasabi ba ko? Ayaw mo na saken agad eh di ba, kakahulog mo lang saken? HAHAHA! Bakit kasi? Ang hirap manghula. Gusto ko ng sagot na manggagaling sayo. Pero, mangyayari pa kaya yun? Ewan ko. Baka hindi na. 

Ang hirap na naman pala ng ganitong sitwasyon. Di naman kayo pero parang kelangan mo nang mag move on. Eh come to think of it ha, di naman naging kayo. Haayy, oo nasasaktan ako. May kirot sa puso kahit papaano. Ako lang naman ata eh, assuming nga siguro ako. Eh kasi ho, ikaw naman yung umamin db? At simula nung araw na yun, naniwala na ako sa lahat ng sinabi mo. Sinong tanga? Baka ako. Sinong pafall? Baka ikaw. Haha! Pero wala akong magagawa, di naman naging tayo. Pero sana di ba, nung umamin ka, dapat pala sinabi ko na: "O sige tara, tayo na." pero di ko nasabi eh. Pasenya na. Nahiya ako at nabigla ako sa mga naganap. But hey, I want you to be happy.

Kung may message ako para sayo, eto yun:

Dear you,

Maraming maraming salamat sa lahat. Saglit lang yun pero you made me happy. Thank you for making me smile sa mga panahong ni ayaw ko tumawa. Salamat sa pangungulit. Salamat sa pagintindi at kahit sa sandaling panahon, you made me feel that I am still worth it. Thank you. Sobrang thank you. Mamimiss kitang kausap palagi. Dahil malamang, di na tayo magiging tulad ng dati. Sayang noh? Andun na tayo eh. Isang OO na lang galing saken, masaya na sana tayo. Eh wala eh, di ka kaya nangtanong. HAHAHA! =))) Well, mag ingat ka parati. Alam mo namang mahirap jan pero keri mo yan! Strong ka eh. Wag mong pabayaan ang sarili mo ha? Malayo ka kaya mag ingat ka. Pag may time ka, try mo pa din akong i-message...baka sakaling replyan pa din kita. *Hopia ang wala*. :D HAHAHA! I like you...so much. :(

Hey now, I'm moving on again...Leggo!

Monday, April 22, 2013

Magulo lang.

Oo, alam mo medyo mali pero kasi porket masaya ka, go ka lang ng go. Ang hirap kasi, nasasanay ka na pag anjan siya. Pag nagkita kayo, automatic na may spark sa isa't isa. Pero bakit kasi ganun eh? Ok naman kayo. You both like each other pero kahit anong gusto niyo, di maaring maging kayo. Bakit? Kasi pag mas pinaglaban niyo ang kasiyahin niyo, may masasaktan...I mean, may mga masasaktan. Ewan ko, mahirap eh. Mahirap nga kasi mahulog sa taong masaya na. Pero bat ganun? Mas kaya mo naman siyang pasayahin eh. Kaya lang, no choice ka. Kalma ka lang sa tabi kasi, sa puso niya, may tao na.

Ang hirap pag ganun yung sitwasyon niyo noh? Paano mo masasabi na masaya kayo eh wala ngang kayo? Paano mo masasabi na ok kayo eh di naman kayo? Ang sakit sa bangs ng mga ganun na pangyayari. Yung tipong right love at the wrong time ang peg. Maraming nakakaranas niyan ngayon. Wala lang magagawa eh. Sadyang ganun lang talaga.