So yes, I have already watched the movie. Sabi ko nung una, ay nakoo. Mas gusto ko pa din yung You Changed My Life. Pero, di pala. HAHA! It was an EPIC movie. Alam mo yung feeling na reality ang pinakita nila? Oo, kasi nga lahat naman nagmahal na eh. Naging Marta na tayo para sa mga taong mahal natin. Umasa tayo, nasaktan, tapos abangers pa din. HAHA! Paano nga ba natin nakakaya lahat ng yun? Tipong mega iyak pa tayo. Sasabihin mong ayaw mo na pero, dahil nga mahal mo, kinakaya mo.
I am not an avid fan of Sarah Geronimo pero infairness, sa movie na ito, napahanga mo niya ko. Ang galing niya kasi, napakanatural lang. Laida Magtalas…parang ako lang yan talaga noon. Yung tipong, nagmahal ka. Nasaktan ka. Umasa ka. Niloko ka. Nagbago ka. Kinakaya ang lahat. :)
Haaay naku Miggy Montenegro, John Lloyd Cruz, you never fail to make me love you more. Wala pa ako talagang movie mo na napanood na di ako napa WOW. :) Ang epic ng proposal. Yung paghawi ng mga tao, isang gwapong gwapong Miggy Montenegro ang kakanta ng KAILAN? OMG! :O HAHA!
Favorite lines ko:
“Pag blooming, in love agad? Di ba pwedeng nainlove noon? Umasa noon? Nasaktan noon? Kaya naka move on na ngayon?”
“Tara, laro tayo..taguan ng feelings.”
“Being good means loving the people who hurt you.”
“Miggy Montenegro & Laida Magtalas version 3.0” <3
Marami pa kong fave eh. AHAHA! Basta, it was an epic movie. You should watch it. SUPER WORTH IT =)
Congrats JLC & SG! <3
