Ano nga bang libro yun? Walang iba kundi ang "Fifity Shades of Grey".
Sino ba ang mga bida sa nobelang ito? Sina Christian Grey, isang napakayaman na negosyante, bachelor, at halos perpekto na. Kaya lang, sabi nga wala namang perpekto sa mundo kaya may lihim siyang tinatago at may bahagi ng kanyang nakaraan na ayaw niya ng balikan. Bidang babae naman dito si Anastasia Steele, isang typical na babae na wala pang planong magkaroon ng minamahal.
Di ko na ikwekwento ang istorya para dun sa mga di pa nakakabasa. Haha! Pero isa lang ang masasabi ko, kung ayaw niyong maadik, wag niyo ng simulang basahin. This is a WARNING! Matindi ang epekto ng librong ito. Yung tipong pag nabasa mo masasabi mo sa sarili mo na: "OMG! Si Christian Grey na ang Ideal Man ko." Haha! Pero totoo, kaya kung ayaw mong mabago ang ideal guy mo,don't read this. :)
Sa pangalawang libro, eto yung masasabi kong pinakapaborito ko. Madaming mga linya dito ang di talaga maalis sa isip ko. Sa part kasi ng libro na ito, mas nauunawaan mo na si Christian Grey. Basta, basahin niyo at panigurado, iyak tawa din kayo.
Paborito ko siya kasi ang ganda ng storya. Kahit na it's really for mature audience ONLY. pero aside na mga gannung bagay, may storya siya eh, may something sa librong ito na kapag nabasa mo na, you always want more. Tipong di ka talaga titigil hanggang di mo siya natatapos. At kapag natapos mo na, masasabi mo: "Next book na oh."
Finally, eto ang ang huli sa tatlong libro na ito. Ang Fifty Shades Freed.
This book, just like the two others made me cry. Bakit? Iyak dahil sa lungkot, kilig at saya. Nung natapos ko itong basahin, talagang nasabi ko sa sarili ko: "May susunod pang part ito. Di pwedeng wala". It was a GREAT novel! Napaiyak, napangiti, napatawa, napakilig at in some way, nakarelate ako sa storya. Napaisip ako na: "Ay teka,may naaalala ako sa ganito. Kami dun ganyan dati eh." Kung di ka open minded, malamang sa malamang, di mo maaapreciate ang librong ito.
At dahil tapos ko ng basahin ang tatlong libro, inaantay ko na ngayon ang movie. Sino kaya ang gaganap na Christian Grey? :) Hmm. Unang basa ko pa lang ng descrition niya sa libro, isang tao lang ang agad na pumasok sa isip ko...si ALEX PETTYFER. <3 That one hot gorgeous guy! :) He's perfect. Pero sana, siya na nga.
Masyado na atang mahaba ang sinulat ko. Haha! Sige na, til next time. :)
Laters baby! <3


