Oo, alam mo medyo mali pero kasi porket masaya ka, go ka lang ng go. Ang hirap kasi, nasasanay ka na pag anjan siya. Pag nagkita kayo, automatic na may spark sa isa't isa. Pero bakit kasi ganun eh? Ok naman kayo. You both like each other pero kahit anong gusto niyo, di maaring maging kayo. Bakit? Kasi pag mas pinaglaban niyo ang kasiyahin niyo, may masasaktan...I mean, may mga masasaktan. Ewan ko, mahirap eh. Mahirap nga kasi mahulog sa taong masaya na. Pero bat ganun? Mas kaya mo naman siyang pasayahin eh. Kaya lang, no choice ka. Kalma ka lang sa tabi kasi, sa puso niya, may tao na.
Ang hirap pag ganun yung sitwasyon niyo noh? Paano mo masasabi na masaya kayo eh wala ngang kayo? Paano mo masasabi na ok kayo eh di naman kayo? Ang sakit sa bangs ng mga ganun na pangyayari. Yung tipong right love at the wrong time ang peg. Maraming nakakaranas niyan ngayon. Wala lang magagawa eh. Sadyang ganun lang talaga.
No comments:
Post a Comment