You're beautiful like diamonds in the sky :)

Sunday, April 28, 2013

Gawin sana natin ng magkasama....


Sabi nga nila, pag single ka..magagawa mo ang lahat. Totoo naman yun, malaya ka nga eh. Kaya lang, may mga bagay kasi na mas masaya kung may kasama ka habang ginagawa yun. Yung may kakulitan ka hindi yung nagsosolo ka lang na parang ewan. Eto ang ilan sa mga bagay na nais kong gawin na kailangan kong gawin:

1. Manood ng movie - Wala namang masama manood mag isa. Pero kasi, iba yung may kasama ka eh. Tsaka, kamusta naman yung manood ka ng horror movie ng mag isa db? Tsaka, pag lovestory naman, ang awkward. Sila may katabi ikaw popcorn na lang ang nilalantakan mo. HAHA! Pero nagawa ko na ito ah, many times. :P Nakaya ko naman. Gusto ko yung movie eh, keber na lang sa mga tao sa loob :D

2. Mag out-of-town - Siyempre, gusto mong makalayo sa stress db? Ok lang naman mag isa pero hello, paano kung yung trip mong puntahan eh sa dulo ng Pilipinas tapos wala ka man lang kilala? HAHA! Mas ok yung may kakulitan ka all the way. Yung kapag nawawala ka na, may karamay ka. :D May tagakuha ng picture sayo, hindi yung mag isa mo lang kinukunan yung sarili mo kaya parating mukha mo na lang ang nakikita. HAHAHA! Sayang ang magandang view. 

3. Kumain sa eat-all-you-can - Sige, try mong mag isa jan ng ewan ko na lang kung anong mangyari sayo. Mas masaya pa din pag may kakwentuhan ka habang nakain, may aagawan ka ng pagkain at higit sa lahat, may uubos sa di mo na kayang ubusin na pagkain. 

4. Mag shopping - Oo girls, minsan kailangan natin mag isa mag shopping lalo na pag stress tayo pero db, mas masarap sa pakiramdam yung kapag bibili ka na tapos isusukat mo may tatanungin ka ng, “Babe bagay ba? Maganda?” tapos sasagot siya: “Oo babe.” kahit pilit na ngiti lang ang sukli sayo kasi pagod na siya kakaikot niyo. HAHA! Tapos kahit pagod na siya, go pa din siya. Sasamahan ka niya kahit sa pagpili mo ng make up at papatulan niya ang tanong mo na, “Babe, anong shades bagay saken?” =) At the end of the shopping day, may tagabitbit ka pa din ng mga pinamili mo.

5. Manood ng basketball game ng live - So eto na, alam naman nating basketball ay game ng mga lalaki pero dahil makulit ka, isasama ka niya. Mas masayang pumunta ng live ng pag may kasama. Yung tipong kahit super kilig ka na sa player na crush mo, di siya magseselos. Ay sige, siguro magseselos pero di niya ipapakita sayo. Tapos yung tipong sigaw to the max ka na sa team mo, siya naman kalmado kang pinagmamasdan. Yung tipong mega sabi ka na ng: “Babe oh, bakit na foul yun?! Lokong referee yun ah!” Tapos siya naman, “Babe, kalma. Ganito kasi yan…” Ikaw naman, “Ay hindi! Madaya pa din yun!” =) Pinaka the best? Yung lalapit ka sa crush mong player tapos sasabihin mo sa player: “Hi, pwede magpapicture?” tapos kapag pumayag, sasabihin mo sa kasama mo: “Babe!! Papicture kami” di na siya papalag. Gusto mo yan eh.

Iilan lang yan sa mga bagay na nais ko sanang gawin pero gaya nga ng nasabi ko kanina, mas masaya yan pag may kasama na ko. Sa ngayon, wala eh. Solo flight ang lola mo. Haha! Di bale, tiwala lang…dadating din siya. Andun pa siya sa ano eh. HAHAHA! Secret! ;) Umuwi na kasi sana…

No comments:

Post a Comment