Here I am again,blogging the things on my mind. HAHA! Ang tagal ko na din palang di nagawa toh. Masyado kasing busy ang buhay. Right now, I'm here on the office. Bait ko noh? HAHA! Eh wala naman na akong ginagawa ngayon kaya naisipan kong magsulat. Bat kaya ganun? Sa tuwing bored ako,dun ko naiisipan na magpost dito. SORRY BLOGGER! Love pa din naman kita eh.
Malapit na kong matapos sa OJT ko! YEHEY! After nito,maamoy ko na talaga ang simoy ng pagtatapos. Bat kasi ganun? Dati,parang feeling ko di ko kayang mag college..andun yung feeling ng kaba at excitement. But now that I am almost at the end of my journey as a student,I feel happy and blessed at the same time, sad. Bakit? Kasi,masaya na magtatapos na. Utang na loob! May degree na din ako! Malungkot kasi syempre, I have to say goodbye to my college years...na super naging mahalaga para saken. Napakadaming nangyari..mga bagay na di ko akalaing malalampasan ko pala. Mga exams,reports,presentations,thesis...lahat lahat...natapos ko na! :) Hayyy..ang sarap sa feeling. Mamimiss ko nga lang yung mga BA Family ko. Sila ang mga taong nakasama ko sa loob ng apat na taon..sa lahat ng hirap,saya,lungkot,tawanan,iyakan,food trip,inuman :D anjan sila! May mga tampuhan din pero db? Normal lang naman yun eh. Walang thrill ang friendship kung walang ganun. Di rin mawawala ang mga Prof na nakasama ko. :) Mabait man sila o hindi,dapat ko silang pasalamatan dahil kung di dahil sa lahat ng mga pinaggagawa nila,di ako magiging kung sino ako ngayon. TO MY INFORMATICS FAMILY,THANK YOU! :)
Ano na nga ba sasabihin ko? Ah ikukwento ko nga pala ang mga nangyayari saken dito sa office. Oh eto na. I'm now having my On-the0job training here at Bank of Makati. Bakit nga ba ko andito? Eh si Precious kasi. Siya nagsabi saken na pwede pala dito kasi nga daw,may vacant pa. Kaya eto,andito ako ngayon. Normal na saken ang maraming ginagawa. Multi tasking is the perfect term to describe. Filing, Photocopying, Papareceive..yan lang yung iilan sa mga ginagawa ko. Yung totoo,nakakapagod. Pero ok lang,nasanay na naman ako eh. Kahit naman ganito,masaya pa din kasi mabait naman sila...although parang minsan ata eh ang tingin nila saken ay ROBOT. haha! Forget it! Ang pinakamagandang nangyari dito ay nung makita ko ang taong magiging crush ko. HAHA! Eh kasi naman db? Ang gwapo niya kaya. Freshie face and smile. :D Me Gusta! :)) Pero hanggang dun na lang yun. Buti nga andito siya eh. He's been an inspiration for me. SRSLY! ♥ Sino siya? Di ko na ibubulgar. Mamaya masearch niya pa toh eh. Magkaalaman pa! HAHA! Itago na lang natin siya sa pangalang...JRS! ♥
100+ more to go and I'm outta here! YEY! THANK YOU LORD. I KNOW THAT YOU LOVE ME MORE THAN ANYBODY ELSE. :)
Ang haba na nito,oh sige..til next time!
- ICIA :) ♥