Obviously, matagal akong di nakapag blog. Ewan ko. Di dahil wala ako sa mood o something pero kasi, mas naisipan ko lang mag sulat mismo ng journal sa bahay. At, ilang araw lang medyo madami dami na din naman akong nasulat. Nakakaaliw at sa paraang yun kasi, nalalabas ko lahat ng gusto kong sabihin. Lahat lahat ng nararamdaman ko mapa galit o tuwa man. Parang ang selfish ko noh? Pero yun ang totoo.
Kamusta naman ako? Yung totoo, di ko alam kung paano ko sasagutin yun eh. Feeling ko, ok naman eh pero mas malaki yung hindi na part. Bakit? Eh siguro nga kasi, di pa din kami ok. Alam mo yung feeling na kayo pero di kayo nag uusap? Yung tipong OL naman siya eh, pero wala lang..deadma lang siya. Ni di ka man lang kumustahin kung buhay ka pa ba o hindi. Ang sakit ng ganun noh? Oh well, ako ang buhay na patunay na OO, masakit yun. Gusto niya daw mapag isa. YUng tipong makakapag isip siya at magagawa niya ang mga bagay na gusto niyang gawin. Pero di kaya niya naiisip na masakit at ganun? At, talaga bang kelangan na sarili niya ang isipin niya muna? Eh paano naman ako? Relasyon ba ito o sadyang tiisan na lang? Alam mo yung may complicated na open relationship? KAMI YUN. :(
Oo, alam kong baka balang araw maintindihan ko din kung bakit nangayayari toh. Pero db, yung totoo talaga, ngayon nasasaktan ako. Napapaisip ako..BAKIT ganun? Anong nangyari? Nang dahil lang ba sa MyRO eh magkakaganito kami? Nnag dahil sa isang laro kaya niya ng kalimutan ang lahat? May ginawa ba ko? Anong kasalanan ko? Bakit nangyayari ang ganito samen? Bakit?! :(
Sabi ng mga tao saken, idaan ko lang sa dasal ang lahat. Kung alam niyo lang ang dasal ko para lang maging ok kami...malamang di niyo na sasabihin yun eh. Di ko talaga mawari kung anong nangyari. Kaya po Lord, kayo na pong bahala.
Malalampasan ko naman toh, di ko nga lang alam kung kelan...
No comments:
Post a Comment