You're beautiful like diamonds in the sky :)

Saturday, December 31, 2011

Bye 2011 and Cheers to 2012! =))

So dahil huling araw ng taon at nasa harap naman ako ng laptop, gusto ko lang alalahanin ang mga nangyari all year round. :)) Dahil jan, gagawa ako ng isang blog. Marahil di na madalas toh pero sisikapin ko pa rin namang pagandahin eh. Let's do this!

Ang taon na 2011 ay naging masaya. Pero may mga pinagdaanan din naman ako. Yung totoo, ang lahat ng toh ay nangyari sa isang iglap lang. Alam mo yung feeling na ang bilis lang..yung tipong mapapa "WOW! Tapos na yun?" ka. Grabe! At sa dami ng mga nangyari, thankful ako dahil na survive ko ang lahat ng iyon.

Ngayong taon, mas malalo kong napag buti ang studies ko! Syempre naman noh! Dean's Lister pa din ata toh. Isa pa, mas lalo kong nakilala kung sino ang mga tunay kong kaibigan. Sila ang aking mga B.A. Family and my Makati Girls! <3 Another thing na nangyari ay syempre, at last..nagkaayos din kami ni Ms. Pau. :) At dahil yun kay Rusty! :)) HAHAHA! Di ko akalain na magiging ganun pala ang Christmas Party namin. Simple pero Rock! :))

Sa larangan naman ng pag-ibig, masasabi kong pinagpala pa rin ako. Bakit? Eh kasi kahit na buong taon ng 2011 ay di kami nagkita ni Bebe, na survive namin at kami pa din! :) Ang tibay at ang taray noh?! Eh syempre naman! Ganyan talaga. Pero may mga rough times pa din naman kami. But in the end, it makes us stronger! :) And wiser. <3

Higit sa lahat, thank you po Lord God! :) Alam ko pong sa bawat hiling ko sa iyo ay pinapakinggan niyo ako. Salamat po dahil kahit anong mangyari, di niyo ko iniwan. I know that whatever happens, ang pagmamahal mo para sa akin ay endless..it's til infinity and beyond! Sorry po sa mga nagagawa kong mali. Mahal ko po kayo Papa Jesus! :) Maraming maraming salamat po! :) Ang lahat po ng papuri ay para sa Inyo.

Dear 2012, please sana maging isang mabuting taon ka. Naniniwala ako sayo. Excited na kong makita ka! :))

Ilang oras na lang, Happy New Year na! =) Let's all have a good time! Cheers for another New Year!

No comments:

Post a Comment