You're beautiful like diamonds in the sky :)

Sunday, May 12, 2013

It will always be AWKWARD :>

Marahil, napakapamilyar ng ganitong scene ngayon. Yung tipong yung ex mo eh magiging jowa ng best friend mo. Db? Ala-Kim, Maja & Gerald yan eh. Imagine, yung dating tao na pinagkwekwentuhan mo ng lahat ng sikreto mo eh, magiging bago na magkwekwento ng mga nangyayari sa kanila ng new jowa niya. HAHA! Weird? Yeah right. 

I've been in this situation. Kaibihan nga lang, di naman naging kami eh. Yung tipong magiging kami pa lang sana, yung tipong sasabihin ko na ng "OO" pero wala eh, yung best friend ko, umamin saken na gusto niya si boylet. Ang hirap nun kaya. -_- Oh db? It's a decision between you & your friend. Yung eksenang ano ang pipiliin mo? Sariling kaligayan o kaligayan ng best friend mo? Ang hirap. Pag pinili mo ang kaligayahan mo, may masasaktan kang tao. Pag pag pinili mo yung kaligayahan niya, ikaw naman masasaktan. Masasakripisyo mo ang dapat na meron kayo. Ang hirap nun...sobrang hirap na tipong nakakabagabag lang. Anong ginawa ko? I choose the happiness of my best friend. Nagalit man saken si boylet, keri lang yun. Ang hirap nga lang sabihin sa kanya na: "Oy, please take care of my Best friend ha? Wag mong paiyakin yan kasi, mahalaga yan saken. I know you're important to me pero, di ko kayang siya naman yung masaktan." Heartbreaking moment yun! :( Then, after that si boylet, di na ko kinausap. Naging sila ng best friend ko. Pero unfortunately, di sila nagtagal. Why? Umayaw si boylet. Di naman daw niya mahal yun. Awwtsu! HAHAHA! Pagkakataon nga naman talaga. Si best friend ko, bitter at ako ang taga comfort...si boylet, naghihimutok, ako din taga comfort. Yung totoo, sponge lang? :P Si best friend, nais makipagpabalikan, si boylet ayaw na talaga. Anong ginawa ko? Pinag ayos ko. Naging sila ulit pero, wala eh. Di na nag work out talaga. Hanggang ngayon, bitter si best friend ko. HAHA! =)) 

Anong point ko bat ko sinasabi ito? Simple lang, mahirap kasi maipit sa isang sitwasyon kung saan pati sarili mong kaligayan eh nasasakripisyo mo na. Proven yan at hanggat maari, ayoko ng maulit yung mga ganyan. Sakit niyan sa ulo kaya! Ayoko na. HAHAHA! At least, I know that I've learned from the effin' situation. Past is past...I do hope that history won't repeat it's self na oh. :D

Yeah, IT WILL ALWAYS BE AWKWARD! :>


No comments:

Post a Comment