You're beautiful like diamonds in the sky :)

Wednesday, May 1, 2013

Anong nangyari sa ating dalawa? May idea ka ba?

Alam mo, di ko na alam eh. Ang hirap pala ng ganito. Yung tipong nakikita kong online ka pero hello, di mo ko kinakausap. Samantalang dati, di ka maubusan ng message para saken. Ano ba? Ano na ba talaga nangyari? Bakit? May nagawa ako? Anong nangyari talaga? Eh nakakainis kasi. Alam mo yung feeling na may kirot eh. Na parang gusto mong sabihin na "Hello! Andito ako!" pero wala eh, di ko magawa. Forever ba tayong mag aantayan na lang? O may inaantay pa ba tayo sa isa't isa? Ang dami daming tanong sa utak ko na di ko mabigyan ng sagot. :( At alam kong ikaw lang ang makakasagot nito. Pero nga, mukhang mas malabo pa sa sabaw ng pusit na masagot pa lahat ng tanong ko. Nega masyado? Adik ka kasi! Nakakainis. -__- Di ka naman multo kaya wag kang mang casper.

Unang una sa lahat, nanahimik ako. Ikaw ang gumulo saken. Tapos ano? Nung nagulo na ko, naglaho bigla? Anyare db? Pagtapos kung matuwa sabay bawi bigla? Tss. Utang na loob. Nakiller combo ako. HAHAHA!
Ayokong aminin sa sarili ko na namimiss kita pero yun ang totoo. Masakit makitang yung iba eh nakakausap mo samantalang ako, keber ang peg. Anak ng tokwa talaga. HAHA! So ano? Ako hahabol sayo ganun? Daig mo pa ang freezer sa sobrang cold. Tss! Di naman winter diyan tapos makaarte ka na nanlamig ka wagas! Ayos ayos din pre! HAHAHA! Makita lang talaga kita, utang na loob talaga!

On the other hand, baka nga nakahanap ka na ng iba na mas natuwa ka. Susme naman talaga oh. Agad agad pre? Wala pang 24 hours after that wonderful day, change feelings agad? HAHA! Sayang pre! Sayang! Oh well, at least saglit pa lang, wala pang solid foundation eh nakita ko na at naramdaman ko na ang ganito. Pero ang hirap talaga pre. Sana di na lang kita makitang online para di ako mabother. HAHA! O kaya naman, unfriend na kaya kita? Ayoko. Oh di nahalata mo na ikaw nga tinutukoy ko. Eh hello, moment pa lang na binabasa mo ito, alam mong ikaw na eh. wag kang magmaang maangan jan pre. Di man lang tayo nagawa ng magandang history. HAHA! Sayang...

Tama na ito. Hoy ikaw kasi, walang hiya talaga! Pwede mo naman akong sabihan na ayaw mo na ko kausapin o unfriend mo na lang ako. Tutal ikaw naman nagsimula nito db? Pafall ang wala. HAHA! Ayokong banggitin ang mga linya mo during that happy day kasi magegets mong ikaw nga ang tinutukoy ko dito...second blog na ito para sayo pre! hanep ka ah. HAHA! Umayos ka please. At utang na loob, wag kang magpamiss kasi dapat di ko maramdaman ito pero my effin' stupid heart is missing you! ANAK NG TOKWA! CAPSLOCK PARA INTENSE!!!! :| :O Shemay na may mani at pop corn. TSSSSS!

Message message din pre pag may time! 

No comments:

Post a Comment