I can't understand why some people try to destroy other people by pretending to be that person. :( Lalo na kung yung tao na yun, napaka kagalang galang. Yung tipong wala sa itsura nila yung gagawa ng ganung kalokohan. Ewan ko ba. Di ata nila matanggap kung ano yung nangyari sa kanila kaya sa ibang tao na lang naganti. :( Mali yun db? Maling sa ibang tao mo ibuhos yung galit mo.. kung ano anong mga sinasabi mo na masakit na salita pero sa totoong tao na kinaiinisan mo, di mo masabi ang nararamdaman mo. Bakit nga ba sila ganun? Sadyang bitter ba talaga at di maka move on? I wonder... :|
Nakakainis ispin kung bakit sa dinami dami ng mga tao sa mundo.. siya pa ang napagtripan. Marahil oo, sige.. naghiwalay nga sila pero db? Hindi naman mangyayari yun kung naging open lang talaga yung relasyon nila. Sabi nga, ang relasyon na sinimulan ng kasinungalingan ay matatapos din sa ganitong paraan. Ewan ko ba! Sana kasi nagpakatotoo na lang sila db? Kasi kung mahal ka talaga ng isang tao, tanggap ka niya.. sa kung ano ka at sino ka talaga. Pati mga negative attitudes mo at pinaka pangit na parte na pagkatao mo.. TANGGAP KA NIYA. Kung hindi ka niya kayang tanggapin.. malamang, di ka niya talaga mahal. :) Hanap ka na lang ng iba.
Bakit nga ba may mga taong user? Ano nga ba napapala nila sa pagiging ganito? Natutuwa ba sila? Nagagalak? Ano?! Hindi maintindihan pero dumadami na sila. Bakit ba? Hindi ba kayo nakokonsensya or natatakot man lang sa karma? Pleaseee. Nakakaperwisyo na kayo!
Sa USER sa MUNDO, maari bang itigl niyo na yan? Wala naman kayong napapasaya kundi sarili niyo lang eh. SELFISH! BAD! WAG GANUN..
SANA..
SANA..
SANA..
TUMIGIL NA KAYO!
No comments:
Post a Comment