You're beautiful like diamonds in the sky :)

Monday, June 6, 2011

LONG DISTANCE RELATIONSHIP. ;)

Mahirap ang ganitong klase ng pag ibig. Yan ay isang katotohanan na sa kasalukuyan ay aking nararanasan. Mahirap pag di mo nakikita,nakakasama o nahahawakan man lang ang taong mahal mo. Di mo alam kung anong ginagawa niya,kung sino ang mga nakakasama niya. Nakakaduda..nakakapanghinala..pero isa lang ang dapat mong gawin,MAGTIWALA.



Alam naman natin na mahirap ibigay ang tiwala sa isang tao dahil ito lamang ang isang bagay sa mundo na kapag nasira o nawala,imposible nang maibalik ulit. O cge,maari pa din namang maibalik pero di mo maiwasan na sa bawat ginagawa niya,lagi ng may paghihinala. Nakatatak na sa isip mo ang kamaliang ginawa niya at para sayo,ano mang oras ay pwede niyang ulitin ito....




Kung libo libong milya ang layo niyo sa isa't isa ng taong mahal mo,ano kaya ang maaring gawin niyo para manatili ang inyong pagmamahalan? Simple lang..LAGI KAYONG MAG USAP. Mapa FB,CHAT,SKYPE,TWITTER,EMAIL,PHONE CALL or TEXT man yan..basta mag usap kayo. Dapat di lilipas ang isang araw na di niyo nasasabi kung gaano niyo kamahal at pinapahalagahan ang isa't isa. Oo,maraming tukso pero kung mahal mo talaga ang taong mahal mo,landiin ka man ng kung sino sino...DI KA PAPAAPEKTO. :) Isang napaka walang kwentang dahilan kung sasabihin mo ang ganito: "Tao lang ako. Masyado akong nadala sa nararamdaman ko. Ang mahalaga sayo pa din naman ako eh." B**LSH**! KALOKOHAN! :@ Para sa akin,DI NATIN KAILANGAN MANATILI SA ISANG TAO NA DI KAYANG MAGING TAPAT SA ATIN. DI KA BINUHAY,INALAGBN,PINAKAIN,PINAG ARAL NG NANAY AT TATAY MO PARA LANG SAKTAN NG ISANG WALANG KWENTANG TAO....



May mga matitinong tao pa din naman. At swerte mo kung nakatagpo ka ng ganyang tao. Alagaan niyo ang kung anong meron kayo dahil sa mismong segundo na toh,napakaraming tao ang humihiling na magkaroon ng kung ano mang meron kayo. MASWERTE KAYO. Yan ang tandaan niyo. :)


Walang perpektong relasyon sa mundong ito. Lahat dumadaan sa pagsubok at problema. Minsan pa nga,umaayaw ka na. Pero ito lang ang tatandaan niyo,kaya niyo na bang tapusin at balewalain na lang ang paghihirap niyo para lang mataguyod ang relasyon na yan? Kaya niyo na bang makitang may ibang kasama at kapiling ang isa't isa? Kung HINDI ang sagot niyo,pwes..maging matatag lang kayo. Kakayanin niyo ang lahat..maniwala at magtiwala lang kayo sa inyong dalawa. Tandaan niyo,PAGSUBOK YAN NA BINIGAY NG DIYOS PARA PATATAGIN AT PATIBAYIN KAYONG DALAWA. :)


Sa tamang panahon,magkakasama din ulit kyo. Ngunit sa ngayon,tiis tiis muna. Wag basta basta susuko at wag sasayangin ang kung ano mang meron kayo. MAHAL KA NIYA,MAHAL MO SIYA..SIGURADO NA KAYO SA ISA'T ISA at kung ano mang ginagawa niya ngayon,para yun sa kapakanan niyong dalawa.


Magpasalamat ka na lang dahil kahit papaano,mas maswerte pa din kayo sa iba. Tibayan niyo lang ang loob niyo,KAYA NIYO YAN. :)


COMMITMENT COMMUNICATION FAITH= ♥


If it's worth having then it's worth waiting! ♥






--- ICIA.06 ;)



(CIAYAN ♥ )

No comments:

Post a Comment